Anyo at Ugnayang Gramatikal, Mga Gawaing Ilokusyonaryo at Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Likas na Tagapagsalita ng Filipino

Authors

DOI:

https://doi.org/10.64358/53h04h72

Keywords:

Mga Susing Salita: Edukasyon, Filipino, diskursong pangklase, anyong gramatikal, gawaing ilokusyonaryo, estratehiyang pangkomunikasyon, Pilipinas

Abstract

Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang anyo at ugnayang gramatikal, mga gawaing ilokusyonaryo, at estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng mga gurong hindi likas na tagapagsalita ng Filipino. Gumamit ito ng kuwalitatibong deskriptibo-analitikong disenyo sa pagsusuri ng diskursong pangklase. Labindalawang (12) guro ng Filipino sa pampublikong paaralang sekundarya mula sa anim na sangay sa Rehiyon XI ang naging kalahok. Nangalap ng datos sa pamamagitan ng audio-video recording, obserbasyon sa klase, at transkripsyon ng mga pahayag ng guro. Sinuri ang datos batay sa anyong gramatikal, tungkuling ilokusyonaryo, estratehiyang pangkomunikasyon, at diskursibong palatandaan ng interaksyon at pagkatuto. Lumitaw na ang patanong, pautos, deklaratibo, pag-uulit, pagwawasto, at pagpapatibay ay nagsilbing kasangkapan sa pagpapadaloy ng talakayan. Naisakatuparan din ng mga pahayag ng guro ang pagpapasagot, pagpapakilos, pagpapalalim, pagtataya, pag-alalay, at pagpapatibay ng tugon ng mag-aaral. Natukoy na ang pagpapalit-wika, muling pagpapahayag, pagbibigay-halimbawa, pagbibigay-pahiwatig, at pagwawastong pagmomodelo ay nakatulong sa pagpapalinaw, pag-aangkop, at pagpapanatili ng partisipasyon. Ipinakita ng resulta na ang pagkatuto ay nahubog sa pagsagot, pagpapaliwanag, pakikipagtalakayan, pagtanggap sa puna, at paglalapat ng konsepto sa sariling karanasan. Iminumungkahi ng pag-aaral na palakasin ang pagsasanay ng mga guro sa kamalayang diskursibo, pragmatikong gamit ng wika, at multilingguwal na estratehiya.

 

Author Biography

  • Pearl Joy D. Guibo, MAED, University of the Immaculate Conception, Davao City

    Department of Education / Master Teacher I

Downloads

Published

2026-11-23