Kasanayan sa Pagpapahalagang Pampanitikan ng mga Mag-aaral sa Panahon ng Digitalisasyon: Isang Convergent Mixed Method na Pag-aaral

Authors

DOI:

https://doi.org/10.64358/4sxyzm35

Keywords:

Mga Susing Salita: edukasyon, pagpapahalagang pampanitikan, digitalisasyon, panitikan, mga mag-aaral, Rehiyon ng Davao, Pilipinas

Abstract

Nilayong suriin ang kasanayan sa pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa panahon ng digitalisasyon, batay sa Literary Response Theory, gamit ang Convergent Mixed Methods Design. Kabilang sa mga kalahok ang 300 mag-aaral sa junior high school mula sa mga piling pribadong paaralan sa Rehiyon XI. Ginamit ang Proportionate Stratified Random Sampling sa kwantitatibong bahagi at purposive sampling sa kwalitatibong bahagi. Sinuri ang pitong dimensiyon ng pagpapahalagang pampanitikan. Ginamit ang deskriptibo at inferensiyal na estadistika sa pagsusuri ng kwantitatibong datos, samantalang isinagawa ang tematikong pagsusuri sa kwalitatibong datos. Ipinakita ng mga resulta na mataas ang pangkalahatang antas ng pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral (M = 4.10, SD = 0.390). Walang makabuluhang pagkakaiba sa pangkalahatang marka batay sa edad (F = 1.510, p = .215) at kasarian (t = -0.591, p = .555). Gayunpaman, may makabuluhang pagkakaiba batay sa uri ng lugar ng paaralan (t = -2.465, p = .014), kung saan mas mataas ang mean ng mga mag-aaral mula sa mga paaralang urban (M = 4.17) kaysa sa mga paaralang rural (M = 4.06). Sa kwalitatibong datos naiuugnay ang mga karanasan, damdamin, at imahinasyon ng mga mag-aaral. Iminungkahi ang programang PANAITIK (Panitikan, Aking Nakaraan, Aking Identidad at Tinig sa Kasalukuyan) upang higit na mapalalim ang pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa panahon ng digitalisasyon.

 

Author Biography

  • Dr. Marsan Dela Salde, Part-time Graduate School Professor

    Part-time Graduate School Professor, University of Immaculate Conception

Downloads

Published

2026-11-23