Mukha ng Sarkasmo sa Facebook: Pragmatikong Pagpapahayag ng mga Kabataang Gen Z

Authors

  • MARIA PAZ BUCAYU CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • CATHERINE DANNUD CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • ANA ROSE DASIGAN CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • RACQUELYN RUDA CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • BHEE JAY RAFAEL SORIANO CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • KRISHIA MAE TULIAO CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author
  • JOHN LLOYD YORO CAGAYAN STATE UNIVERSITY - ANDREWS Author

DOI:

https://doi.org/10.64358/r5hz9v50

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tukuyin ang mukha ng sarkasmo sa pragmatikong pagpapahayag ng kabataang Generation Z sa social media partikular sa Facebook na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Dahil hindi magkatugma at minsan ay salungat ang umiiral na ebidensya tungkol sa epekto ng sarkasmo kung ihahambing sa literal na pagpapahayag, layunin ng papel na ito na suriin at tukuyin kung aling mukha ng sarkasmo ang ginagamit ng mga kabataang Gen Z sa pagpapahayag nila ng kanilang saloobin sa partikular sa aspektong pragmatika. Dalawang uri ng dokumento ang ginamit sa pagsusuri. Una rito ay ang source document na isang (1) memoranda na naging ugat ng isyu tungkol sa hindi pagkansela ng mga klase sa gitna ng naranasang pinakamataas na temperatura sa syudad ng Tuguegarao na naging tampok na usapin sa komunidad ng Cagayan State University. Ang sumunnod na uri ay mga reaction documents na kinabibilangan ng limang (5) sarkasmong komento ng mga CSUan Gen Z, isang (1) editoryal na kinapapalooban din ng isang (1) larawang tudling bilang tugon sa memorandang inilathala ng institusyon. Ginamit ng mga mananaliksik ang kwalitatibong-diskursong pagsusuri ayon sa modelo ni Norman Fairclough sa pamamagitan ng talatanungan sa paraang pakikipagpanayam at deskriptibong pagkokoda sa mga transkripsyon ng datos. Upang masiguro ang kredibilidad ng mga datos, isinailalim ang mga ito sa prosesong Triangulation na binigyang buhay ng sampung mga kalahok na napili gamit ang purposive sampling mula sa CSU Andrews Campus at Carig Campus. Ang mga kalahok ay binubuo ng limang CSUan Gen Z at limang miyembro ng opisyal na pahayagan ng paaralan. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na hindi lamang pagbibiro at pagbabalatkayo ang mukha ng sarkasmo sa kabataang Gen Z, bagkus, ang mukha ng sarkasmo lalo na sa pragamatikong pagpapahayag ng kabataang Gen Z ay pamumuna. Ginagamit ng Gen Z ang sarkasmo upang isulong ang makabuluhang diskurso sa loob at labas ng paaralan; na maihahalintulad sa isang double-edge sword. Ang sarkasmo ay nagsilbing defense mechanism at "ligtas na pagpuna" upang maipahayag ang kanilang akademikong kalayaan nang hindi nangangambang mapatawag o maparusahan ng institusyon. Naiiba ang kanilang sarkasmo sapagkat ginagamit ito sa paraang balintuna, walang preno, at bilang defense mechanism sa anyong pabiro habang tinutuligsa ang partikular na paksa taliwas sa ibang henerasyon na ang paggamit sarkasmo ay seryoso at upang magrebelde, ayon sa akda ni Bradley, 2017 na Sarcasm, Generation X, and Our Iconic Savior.

Downloads

Published

2026-11-23